Kailangan ng HEMOPERFUSION?
Ready Kami Diyan!

Ang Hemoperfusion ay isang advanced treatment na mas epektibong tumutulong alisin ang toxins at harmful substances sa dugo.
Tumutulong sa pag-alis ng lason at inflammatory substances sa katawan
Karagdagang suporta sa kalagayan ng pasyente
Isinasagawa ng aming bihasang medical team sa malinis at modernong pasilidad
Garantisado Ang Ginhawa sa Pakiramdam
Jafron HA130 Disposable Cartridge Jafron HA130 Disposable Cartridge
TINATANGGAP DITO ANG GUARANTEE LETTERS MULA SA:
Office of the President Seal
DSWD Seal
PARA GAWING MAS MADALI PARA SA AMING MGA PASYENTE ANG PAG-AVAIL NG HEMOPERFUSION.

Ano ang Hemoperfusion at Paano Ito Nakakatulong sa Kalusugan?

Ang Hemoperfusion ay isang makabagong paraan ng paglilinis ng dugo sa labas ng katawan (extracorporeal blood purification). Sa pamamagitan ng pagdaan ng dugo sa isang adsorbent cartridge tulad ng Jafron HA130, epektibong sinasala at inaalis ang mga lason, cytokine, at inflammatory substances na hindi kayang alisin ng karaniwang dialysis.

Karaniwang ginagamit ito bilang suporta sa mga pasyenteng nakakaranas ng matinding pamamaga (cytokine storm), sepsis, renal failure, at labis na dosis ng gamot o pagkalason upang mabilis na maibalik ang normal na balanse ng katawan.

Mabilis na Detoksipikasyon

Mabilis na kinakabit ang mga mapaminsalang lason sa active polymer carbon matrix para mailigtas ang mga organs mula sa pinsala.

Organ Support & Control

Tumutulong na kontrolin ang cytokine storms at sepsis sa pamamagitan ng pagbawas ng inflammatory burden sa dugo.

Ligtas at Sertipikadong Proseso

Gumagamit ng certified at disposable cartridges (HA130) sa ilalim ng gabay ng aming mga lisensyado at bihasang medical specialists.

Mas Pinahusay na Serbisyo para sa Mas Mahusay na Pangangalaga

Maliban sa mataas na kalidad ng Machine at Dialyzer nais din ng Clearbridge Dialysis Center na ibahagi sa mga pasyente ang pinaghusay na kalidad ng serbisyo! 💙

Sumailalim sa masusing pagsasanay at demonstration ang ating mga nurses, technician at doctors, sa ilalim ng supervision ng mga engineers mula sa Helande Kidney Care, Inc. upang mas mapahusay ang kanilang pagse-serbisyo gamit ang Hemoperfusion. 💯😊

Tinatanggap din natin ang Guarantee Letter mula sa DSWD upang mas maging accessible sa mga pasyente ang de-kalidad na pangangalaga. ✨💙

Interesado Ka Bang Bisitahin ang Aming Dialysis Center?

Tuklasin ang aming kumpleto, bago, at makabagong mga pasilidad para sa mas ligtas, komportable, at de-kalidad na pangangalaga.